Ngayon panahon ng pandemya, ang lahat ng uri ng public transport ay nasa harap ng mall. WALA pang byahe ng bus dito papuntang probisnya. Ang mga byaheng probinsya ay nasa PITX na nasa Paranaque. Click here kung kailangan mo ng info tungkol sa mga byaheng probinsya na pinayagan ng LTFRB noong September 30.
Nakaparada ang mga City Buses sa kaliwang bahagi samantalang naghihintay ng pasahero ang mga P2P buses sa kanan. Ang e-jeep ay nakaparada sa Starmall Service Road. Walang byahe ng UV express dito sa Starmall.
As of November 4, 2020, may byahe na ng UV Express o van sa Festival Mall Alabang papuntang Cavite at Laguna. Para sa detalye kung anong ruta ang mayroon, click here.
Mayroon na rin byahe ng jeep sa Jeepney Terminal sa kahilera ng Jollibee Alabang Junction. Para sa detalye kung ano ang ruta mayroon, click here.
Ang byahe ng bus papuntang PITX ay nasa Alabang South Station. Click here para sa iba pang info tungkol sa byahe na mayroon sa South Station papuntang Cavite at Laguna.
160 Comments
Benjamin Geneciran
May sakayan po ba dyan sa starmall, na papuntang dasma?
admin
Hi Benjamin! Wala akong nakitang byahe papunta sa Dasmarinas, Cavite nung nagpunta ako.
Brent
Saan po sakayan ng sucat?
renzganola
Hi Brent! Meron byahe na jeep sa Starmall-Alabang. Nakapwesto sa left-wing kung nakaharap ka sa mall ang mga jeep. Sucat ang signboard ng jeep. Cheers!
Maw
Saan po sakayan sa Alabang nung Alabang – Lawton via MOA na UV Express?
renzganola
Hi Maw! Hindi ako familiar na may UV Express papuntang Lawton via MOA.
May sakayan sa Alabang South Station ng bus papuntang Lawton (Igan or Tas Trans) na dadaan sa PITX.
Kung pupunta ka ng MOA, 2 ang option mo.
Sa PITX ka sasakay ng jeep papuntang MOA o kaya bababa ka sa Double Dragon, tatawid sa kabilang kalsada at sasakay ng jeep papuntang MOA. Hope this helps.
June reyes
May byahe na po ba starmall to calamba
admin
http://www.ditoangsakayan.com/may-byahe-na-ba-ng-bus-papuntang-probinsya/
Joana baguio
Goodeve po saab po banda sa backlaran ang sakyan papuntang star mall alabang po at anong oras po. Ang last trip nila .? Slmt po.
admin
Hi Joana,
Walang rekta na byahe papuntang Starmall Alabang.
Sakay ka papuntang PITX sa Baclaran.
Pagdating mo PITX, sakay ka ng bus na ang signbooard ay Alabang South Station.
Pagbaba mo ng South Station, lakad ka papunta sa Starmall Alabang.
Jennifer
Good day! Tanong ko Lang po Kung anong pinakamaagang byahe po going to Lawton? Pupunta po Kasi ako sa PGH.. kailangan Kasi 4 am dapat nakapila na…
TIA sa mga sasagot po
renzganola
Hi Jennifer! Good morning! Unfortunately, 5AM ang start ng mga byahe sa Starmall and usually 11PM ang last trip nila.
Alanganing oras na kasi yan so ang suggestion ko ay sakay ka ng jeep papuntang Baclaran sa Starmall Alabang. Lakad ka papuntang Baclaran LRT. Sakay ka ulit ng jeep papuntang PGH. Hope this helps!
Popoy
Meron na po bang bus calamba to alabang ?
renzganola
Hello Popoy!
Wala pang byahe ang mga provincial bus at this point.
Sabi sa news, plano ng gobyerno na ibalik ang provincial bus operation sa June 22 pero wala pa ng malinaw na update kung tuloy yun.
Gretyl España
Hi good day! Ask ko lang kung yung mga buses ba from starmall alabang or sa South station e dumadaan ng pa moa or sa baclaran? Thank you so much.
admin
Hi Gretyl!
Walang bus sa Starmall ALabang. Nasa South Station papuntang PITx. Hindi yun dadaan ng MOA or Baclaran.
Sa PITX, may jeep papuntang MOA.
Mark
24 hours po ba byahe papunta batangas pier?
admin
Hi Mark! Ito ang nakuha kong info sa facebook. Hope this helps.
Bus Company: ALPS Alabang
Beside Star Mall Alabang TO BATANGAS CITY PIER
PHONE: 0943-130-1574
FIRST TRIP: 4:00am
LAST TRIP: 8:00pm
BUS DEPARTURE INTERVAL: every 30 – 60 minutes
FARE: 162.00
Wala pa akong nakitang info kung 247 ang byahe ng ibang bus companies papuntang batangas pier sa Starmall Alabang. Cheers!
Yhiem sanjose
Gud afternoon po ask lng po meron po bang sakayang Papuntang carmona cavite Sa star mall alabang ty po
renzganola
Hi Yhiem!
Yes meron pong Jeep na masasakyan papuntang Carmona Cavite sa Starmall Alabang Cavite. Sa huling kong punta dun, nasa basement ang terminal ng mga jeep. Tanong mo na lang sa guard kung saan ang jeepney terminal. Hope this helps!
Dean
Hi po. Meron bang jeep na papuntang Makati / Pasong Tamo (Pass thru Skyway, baba Magallanes)?
admin
Hi Dean! Wala ata akong napansin na jeep from Starmall Alabang na aabot dun. Pero sigurado ako na may bus. Sakyan mo yun may mga signboard na Cubao at Skyway din. Dadaan ng Magallanes yun.
Haydee
Hi po! Meron po bang bus n papuntang candelaria na ang alis po ay 11pm or 12am?
admin
Hi Haydee! May 2 options ka. Sumakay ka ng bus na ang signboard ay either Lucena (Quezon Province) or Naga (Bicol). Parehong dadaan yan ng Candelaria.
1. Lucena – Yung Jac Liner (website) may last trip ng 10pm from Cubao terminal to Lucena. Mag-pipick up sila ng pasahero sa Alabang. I guess makakarating sila sa Alabang terminal between 1030pm to 11pm.
2. Naga/Legazpi – Ito ay information lang na galing sa relatives (mga taga-Bikol) dahil wala akong makitang reference online. May mga bus companies bound for Bicol na nag-pick up ng passengers around 10pm sa may Starmall Alabang.
Hope this helps!
Sam b
May bus po ba papuntang tagaytay? Anong bus company po and gano kadalas byahe?
admin
Hi Sam. Wala akong nakitang byaheng bus na direkta sa Tagaytay. I maybe wrong. What I can suggest is sakay ka ng P2P Bus from Starmall Alabang to Savemore Salawag sa Dasmarinas.
Ang sched ay
7:00 AM – 12:30 PM every 30 minutes
1:30 PM – 3:30 PM every 1 hour
4:00 PM – 9:00 PM every 30 minutes
Pag baba mo sa Savemore, tawid ka. Sakay ka ng bus na may signboard papuntang Tagaytay. Hope this helps! Cheers.
Pat Oro
What time po ang first trip paLucena kapag Sunday? Thanks po 🙂
renzganola
Hi Pat! Pasensya na wala pa akong makitang info online sa trip schedule papuntang Lucena. Recommend ko sayo na magpunta ka around 6AM. Pamasahe ay Php 180.00. (lucenahin.com) Cheers!
Nikai
Hi po! Every hour po ba ang byahe mula starmall hanggang lucena? Magkano po kaya ang pamasahe?
renzganola
Hi Nikai! Pasensya na wala pang makitang info online sa trip schedule papuntang Lucena. Recommend ko sayo na magpunta ka around 6AM. Pamasahe ay Php 180.00. (lucenahin.com) Cheers!
Maureen
Hi, saan po banda yng terminal? (first time sa starmall if evet 😅)
what time po ang schedule ng Uv pa sta. Rosa?
HM po kaya ang pamasahe?
And ano pong sasakyan Starmall to Bicutan (mlpt sa slex exit. ) and HM po (if may idea po kayo.)
Thanks in Advance 😊
renzganola
Hi Maureen! Along SLEX ang Starmall Alabang kaso nasa ilalim ng overpass. Karamihan ng Bus from Laguna, Batangas, Quezon, Bicol dumadaan dito, hanapin mo lang yun may signboard na Starmall Alabang.
Also, nagtanong ako sa relative, Van from Festival Mall Terminal papuntang Tagaytay na dadaan ng Sta Rosa ay Php 75 so more or less yan ang pamasahe. Ang HULA ko ay mall hours lang meaning hanggang mga 9pm yun last trip. Dont take my word for it though.
Lastly, nakasakay na ako ng jeep sa Starmall Alabang papunta SM Bicutan ng 11pm to visit a colleague. I guess, 24 hrs yun byahe ng jeep at more or less Php 20.00.
Hope this gives you an idea Maureen.
Maureen
Thank you po. Big help : )
Last question/s po. Ano pong ruta/Sign Board po ng Jeep pa Bicutan? And san po banda sakayan? Thank you po ulit.
renzganola
No problem! Hi again Maureen. 😀
Sa gilid ng expressway mismo ako nag-abang ng masasakyan nun kasi alanganin oras na (11PM). Hindi ko na matandaan pero sa tingin ko may signboard na SM Bicutan yun. Nagtanong tanong lang naman ako sa mga konduktor ng bus. Accommodating at helpful mga yun.
Pingback:
Jeff
Hanggang anung oras po yung uv sa basement?
renzganola
Hi Jeff. Hindi ko pa sigurado sir pero maaaring hanggang 9PM dahil yun ang closing time ng Starmall. Cheers!
Jessie
Saan po Banda dito yung sakayan ng paMarket Market? Thank you po. God bless.
renzganola
Hello Jessie! Nasa malapit yun sakayan sa mga P2P buses o kaya tanong mo lang sa mga konduktor ng bus dun. Accommodating sila! Hope this helps. God Bless you too! 😀
vincent
May sakayan po ba jan sa starmall papuntang moa?
admin
Hello. 2 sakay.
Bus from starmall to pitx. -> https://youtu.be/6Vet4mi4Hgs
Pitx to moa. -> https://youtu.be/3oq2SgRX-kg
Cecil
Hi po, pag galing po ba akung naia terminal 3 anu pwede ko sakyan papunta ng quezon province? Salamat po
renzganola
Hi Cecil! Mabuti at mang gagaling ka sa terminal 3 kasi nandun ang mga P2P buses.
May 2 options ka.
Option 1 – Meron P2P bus from NAIA Terminal 3 to LRT Buendia (click here for the schedule – Atrium Loop). May sakayan dun papuntang Quezon Province.
Option 2 – Meron din P2P bus from Terminal 3 to Starmall Alabang. (for schedule click here). Sa tingin ko alam mo na may sakayan sa Starmall Alabang 😀
Itanong mo na lang sa guard kung saan ang mga P2P bus terminal sa Terminal 3. Sana nakatulong ito. Cheers!
Yvettee
Hello may buses po going to legazpi, Albay
renzganola
Hey Yvette! Hope you are doing good.
I would recommend that you inquire on the several ticketing offices across the mall. Tatawid ka. Meron dun Raymond Trans, DLTB Co and Penafrancia Tours. To give you an idea, ang Raymond Trans, may schedule going to Legazpi ng 7:00 PM, 8:00 PM and 10:00 PM daily (aircon buses with CR). Hope this helps!
Paul
may sakayan po ba papuntang venice Grand CanalMall?
renzganola
Yes sir Paul! May city bus papuntang Market Market although hindi ito direktang dadaan sa Venice Grand Canal Mall. Itanong mo na lang sa conductor kung saan ka dapat bumaba. Hope this helps!
Bibingka21
Market market ang baba. Then sakay ka Gate 3 na jeep tapos sabihin mo Mckinley ang baba mo. 9pesos ang pamasahe. Pag Gate 3 shuttle bus 11pesos fare. Mabilis ang byahe madami lang traffic lights. Sasabihin ng driver or kundoktor kapag McKinley na. Pagbaba sa McKinley West, tatawid ka papasok ng McKinley Hills. Unting lakad pa Venice Grand Canal Mall.
Janice Vallente
Hi ask ko lang may skayan ba ng jeep from starmall going to las pinas pamplona? Salamat sa sasagot
renzganola
Hi Janice! Yes. Meron jeep papuntang Las Pinas. Nakalagay yun sa post at mababasa mo yun info sa toggle ng Jeepneys. Ang sign board ng jeep ay Baclaran/Zapote. Naka-park sila sa basement. Cheers!
majanery
Paano po ba sumakay Alabang to gma Cavite po
renzganola
Hello Majanery! Punta ka sa basement ng Starmall. May jeep dun na papunta ng GMA/Carmona Cavite. Click mo yun jeepney routes sa post. Cheers!
yssa
Hello! Are there jeeps/buses going to Buendia?
renzganola
Hey Yssa! Yes. Meron mga provincial bus na galing sa Batangas na LRT/Buendia ang signboard na nag-uunload ng passenger sa Starmall Alabang. Cheers!
Karl
May sakayan po papuntang Manila Via skyway?
renzganola
Yes Sir Karl! Meron City Bus na papuntang Lawton. Tanong mo na lang sa mga conductor ng bus dun alam nila kung saan naka pwesto.
adrian santos
pwedeng mag tanong hanggang anong oras po ang firts trip papuntang batanggas pier hanggang anong oras po bumabyahe pag sabado??
renzganola
Hello Adrian! Yes, Dito sa Starmall/Alabang ang sakayan nun. Nasa first sa list yun schedule. 🙂
Alps Bus
First Trip – 4AM
Last Trip – 8PM
Cheers!
Kheempee
San po gawi sakayan papunta terminal 3??
renzganola
Hi Kheempee! Nasa harap lang yun ng Starmall-Alabang mismo. Magtanong ka sa guard o kaya sa mga konduktor ng mga bus. Alam nila. Cheers!
Bibingka21
Hi po. May UV express po ba from Starmall Alabang to Park Square Makati? If yes po, magkano po pamasahe and gaano po katagal byahe? Mahaba po ba pila? Also, kung bus po (same destination) how much po pamasahe? And gaano po katagal byahe? Punuan po ba? Thank you po 😊
renzganola
Hi Bibingka (pa-crave naman tong nick mo) 😀 Unfortunately, wala akong nakitang UV Express na papunta Park Square Makati directly. Ang naiisip ko lang na pwede mo gawin ay sumakay ng bus dun na nagbababa/nagsasakay papunta sa LRT Buendia and then bababa ka na lang sa Gil Puyat Avenue then sakay ulit ng bus papuntang Park Square Makati. Cheers!
Ella
May jeep or van po ba na diretsong SM Bacoor na ang baba?
renzganola
Hello Ella! Walang sasakyan direkta ng SM Bacoor. Sakay ka ng jeep sa Starmall-Alabang na ZAPOTE ang signboard. Baba ka sa Zapote, tanong mo kung saan banda dun ang sakayan ng SM Bacoor. Ang sakayan ay nasa kabilang kalsada mula sa Jolibee Zapote. Cheers!
Stephen
Hi po. Meron po bang bus/van from Starmall Alabang to Pulo, Cabuyao, Laguna? Ano po yung schedule? Papunta pu kasi ako ng Procter & Gamble Cabuyao Plant. Sakali pong wala, may bus/van po ba papuntang Balibago, Sta. Rosa? Thank you and God bless po!
renzganola
Hi Stephen! Meron ruta ng Van from Starmall Alabang to Balibago Sta Rosa. Nasa list siya dito makikita mo sa FX/Van routes. Hindi ko pa na-try kaya hindi ko pa alam yung sched ng first trip. Nun huli kung punta sa Starmall-Alabang, nagrerenovate sila kaya medyo magulo kung san yun mga terminal kaya tanong tanong ka na lang dun, accomodating naman ang mga guard. Ingat sa byahe papuntang P&G Cabuyao! 🙂
Ayla
Hi po. meron po bang sakayan papuntang Starmall Edsa Shaw galing Starmall Alabang?
renzganola
Yes po Ayla! Nandito din po sa post ng Starmall Alabang Terminal P2P Bus Routes. May schedule sila, pakitingnan na lang sa taas. 🙂
Monday to Friday – First Trip: 6:00 AM Last Trip: 8:00 PM
Saturday – First Trip: 7:00 AM Last Trip: 4:00 PM
Cheers!
mj lomanta
hello po. may sakayan po ba ng papuntang calamba po na fx or uv?! at how much po. thanks po sa sagot
renzganola
Wala po sir Mj. Bus lamang po ang nakita kong may byahe papuntang Calamba. Nasa mga Php 80.00 ang pamasahe. Cheers! 🙂
Stephen
Hello, Good day! Merun po bang biyahe o sakayan papunta nang Infanta Quezon sa Starmall Alabang.?? Thanks
renzganola
Hi there Stephen! Walang direktang byahe from Starmall Alabang to Infanta, Quezon pero nahanap ko to online para sayo.
Via Laguna
Starmall Alabang -> Calamba (bus in 1 hr)
Calamba -> Sta Cruz (bus in 1.5 hrs)
Sta Cruz -> Pagsanjan (jeep in 15 mins)
Pagsanjan -> Infanta (van in 1.5 hrs)
via Lucena (longer route)
Starmall Alabang -> Lucena Grand Terminal (bus in 4 hrs)
Lucenta Grand Terminal -> Infanta (bus/uv express in 4.5 hrs)
Huwag ka na lang mahiyang magtanong kung san naka-parada ang bus or van sa mga kanya kanyang terminal. Hope this helps!
src
Tagaytay Resident
May van po bang diretso mula sa Tagaytay from Star mall Alabang?
renzganola
Hi Resident of Tagaytay! Wala akong nakita na UV Express from Starmall Alabang to Tagaytay. Kung hindi hassle sayo (meaning wala kang bagahe), lakarin mo papunta sa Festival Mall, may UV Express terminal sila sa likod (ipagtanong mo na lang kung saan dun) at may byahe dun from Festival Mall -> Tagaytay. Cheers!
Kim
Goodeve, meron po ba bus dyan sa starmall na papunta sa SM marilao, bulacan? Or khit anywhere sa marilao?
Thank you po. Pls reply
renzganola
Hi there Kim! Walang bus na direktang pupunta ng SM Marilao pero meron naman alternative diyan.
Sakay ka ng city bus sa Starmall Alabang Terminal papunta sa Trinoma. Nasa gilid ng Trinoma ang EDSA-North Avenue Terminal. May van/UV express dun na papunta ng Marilao.
Hope this helps!
Mae
May sakayan po ba papuntang balayan?
renzganola
Hello Mae! Wala akong nakitang sakayan papuntang Balayan sa Starmall Alabang.
Meron byahe ng bus papuntang Balayan sa may PITX (Paranaque Integrated Terminal Exchange).
Pano magpunta ng PITX?
Sakay ka sa may Alabang South Station ng bus papuntang Lawton. Igan or Tas Trans. Dadaan ito ng PITX.
Hope this helps!
Ren
Hello po, may jeep po ba na papuntang MRT Taft? Yun ba yung pa pasay rotonda? Thank you.
renzganola
Hi Ren! Walang jeep route na direkta from Starmall Alabang to MRT Taft.
May 2 kang option.
via Laspinas
– Sakay ka ng Jeep na Baclaran via Alabang-Zapote Road. Baba ka sa Baclaran.
– Sakay ka ng Jeep MRT/Taft.
via SLEX
– Sakay ka ng City bus na may signboard na Cubao. Baba ka ng Magallanes sa EDSA.
– Tawid ka sa kabila. Sakay ka ng bus papunta ng MOA, baba ka sa MRT Taft.
Hope this helps!
Charlie Moya
Good Day!
may byahe po ba from starmall alabang going to bulihan silang cavite? and ano oras po ng 1st trip.
renzganola
Hi Charlie! Meron byahe ang UV Express. Mababasa mo siya sa post under UV Express route. Sorry, wala pa akong info tungkol sa first trip. Cheers!
Benjamin Geneciran
muntinlupa to valenzuela, meron po ba sakayan dyan?
renzganola
Hi Benjamin! Dalawang sakay ang mangyayari.
– Sakay ka ng city Bus papuntang Trinoma. Sa gilid ng Trinoma ay ang EDSA-North Avenue Terminal.
– Sakay ka ng UV Express ng Malinta Exit.
Cheers! Hope this helps.
namelessnelle
Hi. May byahe po ba from starmall alabang to bgc? How much po pamasahe? And if ever wala ano po ang alternative na pwede? Thanks!
renzganola
Meron po Janelle! Under ng city bus route, makikita mo yun from Starmall Alabang to Market! Market! na nasa BGC.
Ipagtanong mo yun bus na may signboard na Market Market. Cheers!
Kesha
Hello! May sakayan pa kaya from Starmall Alabang papuntang Carmona or Binan beyond 12am? If wala ano alternative na pwede?
renzganola
Hi Kesha! Pasensya na at hindi agad nakapag reply. Nagtanong pa kasi ako. 😀
Meron jeep na masasakyan ng madaling araw kaso hindi sa Starmall mismo. Tawid ka sa kabilang kalsada sa tapat ng Starmall gamit ang overpass. May jeep na dumadaan dun na may signboard na Biñan Bayan o kaya Pavilion na parehong papunta ng Biñan. Hope this helps!
Cynthia
May nadaan po bang jeep sa starmall na papunta SM Hypermarket Lopez Sucat? pag meron po ano pong karatula ng jeep ang pwedeng sakyan?
renzganola
Hi Cynthia! Meron byahe na jeep sa Starmall-Alabang. Nakapwesto sa left-wing kung nakaharap ka sa mall ang mga jeep. Sucat ang signboard ng jeep. Cheers!
Rommel
May byahe po ba papunta ng pitx
renzganola
Hey Rommel! Sa ngayon, alam ko walang byahe na Starmall Alabang > PITX. Kung wala ka naman masyadong dalahin, recommend ko na magpunta ka ng Alabang South Station na malapit lang sa Starmall.
Sa Alabang South Station, may city bus na ang signboard ay Lawton/PITX. Ang mga bus ay kulay Blue (Igan bus company) or Green (Tas Trans). Ang mga byahe na to ay babaybayin ang Alabang-Zapote road at dadaan din ng PITX. Sana nakatulong ito. Cheers!
K
Hello, paano po pumunta nuvali from alabang (starmall or festival)?
renzganola
Hi K. Sa Festival Mall Terminal, meron UV Express dun na Tagaytay. Dadaan ng Nuvali yun. Cheers!
Mchian
Anong oras po yung byaheng Alabang to Crossing ibabaw?
admin
Hello Mchian!
Nasa post under P2P Bus 🙂
admin
Hi Mchian!
Nasa post mismo, scroll down under p2p bus. 🙂
Malben
Hi Boss, ask ko lang meron bang bus na biyaheng Lipa City, Batangas from Starmall Alabang or South Station? Thanks po sa reply info.
renzganola
Hello Malben! Yes sir. Meron pong byahe from South Station to Lipa City. Huli kong sakay papunta dun ay ₱100.00.
Bukas ang South Station ng 5am to 11pm. Lagi naman may naka-parada na bus dun na naghihintay ng pasahero. Hope this helps!
Travellino
Hello, meron po bang bus/uv na papuntang robinsons dasma? if wala po saan po kaya merong terminal ng uv/bus/jeep papuntang rob dasma directly? na around alabang po.
renzganola
Travellino! Good morning! Sa South Station, may UV Express papunta sa Robinsons Dasmarinas. Rekta ito.
Suggest ko lang, natry ko yung P2P bus mula Starmall Alabang to Vistamall Dasmarinas. Isang sakay pa siya papuntang Robinsons Dasma pero hindi dadaan sa Daang Hari corner Molino yun bus. Dumadaan sa isang village na hindi pa developed tapos ang labas na ay Salitran. Kung ayaw mo sa trapik, suggest ko mag p2p bus ka tapos isang jeep na lang yun mula sa Vistamall Dasma. 🙂
Ian
Hello meron po bang papuntang pitx galing starmall alabang?
renzganola
Hi Ian. Ang alam ko wala pa sa ngayon. Kung wala kang bagahe at hindi hassle sayo, sa Alabang South Station meron. Konting lakad lang yun mula sa Starmall, ipagtanong mo na lang.
Nandun ang terminal ng bus na papuntang Lawton, babaybay sa Alabang-Zapote road at dadaan din ng PITX. Hope this helps!
Czai
Meron po bang direct na byahe from Alabang to Infanta, Quezon?
If wala, ano pong option namen na route mula Alabang/ Salamat!
renzganola
Hi there Czai! Walang direktang byahe from Starmall Alabang to Infanta, Quezon pero nahanap ko to online para sayo.
Via Laguna
Starmall Alabang -> Calamba (bus in 1 hr)
Calamba -> Sta Cruz (bus in 1.5 hrs)
Sta Cruz -> Pagsanjan (jeep in 15 mins)
Pagsanjan -> Infanta (van in 1.5 hrs)
via Lucena (longer route)
Starmall Alabang -> Lucena Grand Terminal (bus in 4 hrs)
Lucenta Grand Terminal -> Infanta (bus/uv express in 4.5 hrs)
Huwag ka na lang mahiyang magtanong kung san naka-parada ang bus or van sa mga kanya kanyang terminal. Hope this helps!
Mark Fabian
Di po ba suspended ang byahe papuntang batangas pier?
Pakisagot naman po, thanks.
renzganola
Hi Mark! Meron pong byahe ng batangas pier sa Starmall Alabang at Alabang South Station. Kakadaan ko lang kanina. Hope this helps!
Arthur
Kung manggagaling po ako sa Shaw-EdSA, ano po ang sasakyan papunta sa Silang Cavite para makarating ng 8:30 o 9:00 am?
renzganola
Hi Arthur! Sakay ka ng bus (signboard: Alabang).
Hindi malinaw kung san ka sa Silang papunta. May 2 main road ang Silang, Cavite.
Kung sakaling sa Sta Rosa-Tagaytay Rd ka papunta, baba ka sa Alabang South Station, sakay ka ng jeep (signboard: Balibago Central Terminal). Sa Balibago, may jeep papuntang Tagaytay.
Kung sa Silang Bayan ka naman papunta, meron van/uv express (signboard: Robinsons Dasmarinas) sa Alabang South Station. Baba ka sa Robinsons Dasmarinas. Sakay ka ng jeep papuntang Silang Bayan.
Comment ka lang ulit kung may clarification ka Arthur. Hope this helps!
Glen iglesia
My byahe na po ba ng bus jan sa starmall going to market2?
Or meron po bang libreng sakay jan para sa mga worker?
renzganola
Hi Glen! Sad to say, wala pang balita kung meron ng byahe ang mga City Buses sa Starmall Alabang.
Ang meron ng operation ay P2P bus sa Alabang Town Center to Market Market. Para lang sa dagdag kaalaman. Alam namin malayo ang Starmall Alabang sa ATC.
Jessa pacure
Hai po ask ko lnf po if pwd na mag byahe to laguna ngaun tnx u po sa sagot nyo
renzganola
Hi Jessa! Unfortunately, wala pang sinasabi sa balita na may byahe na sa Starmall Alabang ang provincial bus, jeep or van papuntang Laguna.
Iman Flores
Meron na po kayang byahe papuntang batangas pier.
renzganola
Hi Iman! Sad to say, sabi sa balita wala pang byahe ang provincial bus, jeep or van from Starmall Alabang to Batangas Pier.
Sabi sa balita, maghintay daw tayo ng announcement on or before June 22. 🙂
Ma. Carissa pilapil
Hi po may byahe na po ba pa taytay po?
renzganola
Hello Carissa! Unfortunately, sabi sa balita, wala pa rin byahe ang provincial bus, jeep o van sa Metro Manila. Maghintay daw tayo ng updates mula sa government on or before June 22.
alivir villamor
Meron na po ba byahe bus sa starmall alabang papuntang cubao
renzganola
Hi Alivir! Wala pa pero ito yun suggested route.
Meron P2P bus na byahe from Starmall Alabang to Starmall Shaw ng Monday to Friday.
MagMRT ka na lang from EDSA Shaw to Cubao. 🙂
Maica
Hi, meron na pong byahe ng GMA Cavite to Alabang? At anong oras po yung byahe ng P2P buses ninyo STARMALL ALABANG to STARMALL EDSA? Salamat po
renzganola
Hello Maica!
Updated na ang schedule ng P2P bus from Starmall Alabang to Starmall EDSA. 🙂
Walang direktang byahe ang GMA to Alabang.
Ang meron sa ngayon ay GMA to PITX. Then, sasakay ka ng PITX to Alabang.
Jayke Cada
Hello po. Ano po yung pwedeng sakyan papuntang Munting Ilog, Silang Cavite from Alabang Starmall or Festival Mall.
admin
Hi Jayke! Hindi kumpleto ang masasagot ko sayo.
From Alabang South Station, sakay ka ng bus going to PITX.
Sa PITX, may bus going to Dasmarinas.
Ang hindi ko pa nakikita na info online ay kung may byahe na sa Dasma papuntang Silang o kaya Tagaytay.
Pasensya na.
Nhang
Hello po…meron na po bang byahe ng jeep from alabang to carmona cavite ngayon? Sa starmall na po ba ang sakayan?
Salamat po.
admin
Hello Nhang!
Kapag wala sa listahan sa post dito, wala akongo nakita or wala pang byahe papunta sa lugar na yun. 🙂
Makakapunta ka sa Carmona galing Alabang kaso maraming sakay.
Sakay ka ng bus from Alabang South Station to PITX.
Sa PITX, may bus going to GMA.
Sa GMA, may jeep going to Carmona.
Hope this helps! 🙂
Marry grace
Sir may availble n po ba byahe pampanga
admin
Hello Marry Grace!
Kung sa Starmall Alabang ang tinutukoy mo, walang byahe na papuntang Pampanga dun.
Magkakaroon ng byahe ng bus papuntang San Fernando, Pampanga sa Araneta Center, Cubao. Doon lang. Wala ng iba pang byahe sa Metro Manila papuntang Pampanga. Doon lang sa Cubao. Bus lang. Sa Cubao lang. 🙂
Sa September 30 pa magsisimula ang byahe sa Cubao.
Hope this helps!
helen
Meron na po bang byahe sa Alabang South Station papuntang Lipa, Batangas?
Salamat po.
admin
Hi Helen!
Wala pong byahe sa Alabang South Station bukod sa papuntang PITX.
Pero simula September 30, magkakaroon ng byahe ng bus sa PITX to Lipa, Batangas.
So sa September 30, sakay ka ng bus sa South Station papuntang PITX.
Sakay ka sa PITX ng bus ulit papuntang Lipa.
Remind ko lang na kailangan ng travel pass, ID atbp sabi ng LTFRB.
Zyrene Mae diamante
May byahe po b papuntang sta Cruz or sta Cruz to Alabang?
admin
Hi Zyrene,
meron na. Click mo to, to know more 🙂
http://www.ditoangsakayan.com/alabang-south-station-terminal/
RYE
Hello po admin, good day! Ask ko lang po kung may byahe na po kaya papuntang quezon province? Candelaria/sariaya/lucena?
admin
Hello Rye! Blog ito. Hindi kami bus company 🙂
Wala pang byahe papuntang Quezon Province as buong Kamaynilaan. Kasama diyan ang Alabang. 🙂
Mary Jane
Ask qoh LNG po sna kung my byhe n papuntang sto. Tomas batangas s my alabang.mrming slmat po.
admin
Hello Mary Jane.
Wala.
admin
Hi Mchian!
Nasa post under p2p bus. 🙂
Jannah
hi! may byahe po ba dito pa sta Rosa Laguna?
admin
Hello Jannah! Wala dito, check mo yun Alabang South Station na post dito sa site 🙂
richelle glinoga
Good afternoon po anung oras po ang first trip alabang to lawton po my byahe po ba ng 5:30am tnx po
admin
Hello Richelle,
Nasa post yun schedule and may source din. 🙂
Mary Diane Bolon
Hi good day ask ko lang po if meron na po bang byahe from alabang south station to batangas po na mga bus ?
admin
Hi Mary!
Wala pa. Nasa PITX terminal sa Paranaque ang byaheng papuntang Batangas.
Panoorin mo to para sa schedule – https://youtu.be/1ifglOiFF-I
Panoorin mo to tungkol sa travel pass – https://youtu.be/TxraTjkdnD8
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel -> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Jerwin
My byahe po ngayon papuntang batangas? Salamat po
admin
Hi Jerwin. Nasa PITX ang byahe ng papuntang batangas.
Ito ang itsura ng pitx para may idea ka. -> https://youtu.be/1ifglOiFF-I
Ito naman ang schedule for holidays -> https://www.facebook.com/ParanaqueITX/photos/a.1372249036244570/2105327682936698/
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Kbr
Bukod po sa P2P bus, meron po bang sakayan ng bus to ortigas? At kung nagbababa po ba sila sa robinson galleria?
admin
Hi KBR. Nope. Wala na. Hanggang Ayala lang ang city bus sa Starmall.
Sa ayala, pwede ka sumakay ng bus (edsa carousel) pero ang bus stop ay sa tapat ng SM Megamall. Lalakarin mo pa papunta sa Galleria. 🙂
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Clarence
Sir Good day dto po ba sa alabang STARMALL may byahe po ba papuntang Sta. Rosa Laguna? Via bus or UV? Thanks po.
admin
Hello Clarence. Yup. Dito -> https://youtu.be/DUpuDfwPpUg
jhan
hi po san pwde sumakay from alabang to lucena?
admin
Hello Jhan! Wala pang pinapayagan ang gobyerno na byahe ng bus o van sa buong metro manila papuntang Lucena. 🙂
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Jon
Yung papuntang MOA sa Starmall? san siya dadaan? paLas Pinas or sa slex?
admin
Hello Jon. Walang direkta na pupunta ng MOA galing starmall. Sakay ka ng bus papuntang PITX. Sa pitx, sakay ka ng jeep sa gate 2 papuntang moa.
Dadaan ng laspinas.
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Faharnniccah Castro
May jeep po ba na sakayan sa alabang south station pa sta rosa or balibago? And saan sa laguna may sakayan jeep pa tagaytay?
admin
Hello!
May jeep sa south station to balibago complex.
Sa balibago complex, may jeep papuntang tagaytay. Sa victory mall. 🙂
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
John James Paz
Mayroon na po bang byaheng Alabang papuntang SM Fairview??
admin
Hi John. Wala pa.
Sakay ka ng bus na papuntang ayala.
Sa ayala, sakay ka ng bus o mrt papuntang SM North
Sa SM North, may bus papuntang SM Fairview.
________________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Arnie
hi. may byahe po ba turbina to alabang starmall? pwede na po ba ibayhe 2years old sa bus? at kung may req. pa po ba sya? salamat
admin
Hello Arnie! Meron na. Salamat pinaalala mo. Kailangan ko pala iedit yun post. Updated na ang schedule at pamasahe.
Pasensya na. Wala pang linaw kung pwede na ba magbyahe ang 17 pababa. Wala pa rin ako makita sa balita hanggang ngayon.
_______________
Mag-subscribe sa aming Youtube Channel para sa updates-> https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan
Dennis
Meron po bang sakayan sa alabang to tagaytay sky ranch thanks po
admin
Hello Dennis. Dito ang sakayan sa https://youtu.be/DUpuDfwPpUg