Social Distancing sa Public Transport sa mga Lugar Under GCQ

Last updated:

Magandang balita! Ang Department of Transportation ay naglabas na ng gabay sa pagpapairal ng Social Distancing sa loob ng mga pampabulikong sasakyan sa mga lugar na nakapailalim sa General Community Quarantine (GCQ).

Nasa ilalim pa rin ng ECQ ang Metro Manila, Cebu City, Davao City at marami pang lugar(See the list here!) kaya wala pa rin byahe ng jeep, UV express o bus sa mga lugar na ito! Ang mga frontliners lang tulad ng health workers at essential personnel ang pinapayagan mag-byahe. Kaya tandaan, itong guidelines ay para lamang sa mga lugar na nasa ilalim na ng GCQ pagkatapos ng April 30.

Ang social distancing sa public transport ay ang isang metrong distansya sa mga pampasaherong sasakyan na ipinapatupad ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Photo galing sa DoTr Facebook page.

Gusto ng DoTr ng striktong pagpapatupad ng public transport protocols sa mga lugar na nasa ilalim na ng GCQ para makabawas sa paglaganap ng sakit na COVID-19. (inquirer) Tingnan mabuti ang larawan sa itaas, ang mga box na may kulay green lang ang pwedeng upuan ng mga pasahero. Sa madaling salita, one-seat-apart ang mga pasahero sa lahat ng pampublikong sasakyan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!