Proseso sa Pagsakay ayon sa isang Bus Company simula June 1

Last updated:

Sa dami ng updates na nang-gagaling sa ibat ibang sources kung paano ang magiging byahe natin mga commuters sa Metro Manila simula June 1, nakahanap kami ng pwede natin gawin guide mula sa Facebook page ng Precious Grace Transport Services.

Proseso ng Pagsakay

Una sa lahat, asahan na natin ang mahigpit na pagpapatupad ng No Face Mask, No Ride Policy. Pangalawa, dalhin rin natin palagi ang Company ID o Dokumento na nagpapatunay na nagttrabaho tayo (COE – Certificate of Employment)

Sa friendly reminder ng Precious Grace Transport, bago makasakay ang isang pasahero, dadaan muna sa Temperature Check. Pagkatapos ay kailangan mag-fill out ng Contact Tracing Form. Sa pagbili ng ticket, kailangan ipakita ang Company ID o COE. Mahigpit din ipinapatupad sa mga pampublikong sasakyan ang social distancing kaya kailangan umupo lang sa naka-takdang upuan.

Maaring may pagkakaiba sa ibang mga bus companies o terminal. Kay muli, ito ay nagsisilbi lamang na guide para sa ating lahat lalo ngayon na nag-transition na ang Metro Manila from MECQ to GCQ. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!