Provincial Bus Routes Available

Last modified on Nov 8, 2020 @ 8:23 am

Una sa lahat, ito ay personal blog na nag-reresearch ng mga balita tungkol sa public transport at binabahagi ng libre sa pamamagitan ng website na ito, sa Facebook page at sa Youtube channel. Walang pag-aari na bus company at hindi rin parte ng kahit anong ahensya ng gobyerno ang website na Dito ang Sakayan.

Ito ay post tungkol sa karagdagang research tungkol sa mga byahe na available na sa ibang terminal sa labas ng Metro Manila na maaring magdugtong sa mga pasahero para makapunta sa ibat-iba pang lugar sa Luzon. 

MGA NILALAMAN:
  1. May byahe na papuntang Sta Cruz, Zambales!
  2. May byahe na papuntang Olongapo!

BYAHE PAPUNTANG STA CRUZ AT IBA, ZAMBALES

Maari nang makapunta ng Sta Cruz at Iba sa Zambales galing Manila pero magiging 3 sakay ang byahe. Ang Victory Liner ay may byahe: (victoryliner)

Cubao – San Fernando
San Fernando – Olongapo
Olongapo – Sta Cruz/Iba

Walang detayle tungkol sa schedule ang post ng Victory Liner para sa Olongapo to Sta Cruz pero may detalye sa schedule ng byahe mula sa San Fernando to Olongapo. Click here.

BYAHE PAPUNTANG OLONGAPO

Maari nang makapunta ng Olongapo galing Manila pero magiging dalawang sakay ang byahe. Ang Victory Liner ay may byahe mula sa Cubao papuntang San Fernando pagkatapos ay San Fernando papuntang Olongapo. (victoryliner)

Kailangan pa rin ng Travel Pass, Valid ID na nagpapakita ng edad. 

Fare: Php 136.00
Schedule: (source)

San Fernando to Olongapo 
First trip: 5:00 AM
Last trip: 7:00 PM

Olongapo to San Fernando
First trip: 4:30 AM
Last trip: 6:30 PM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!