LRT, MRT at PNR balik operasyon sa May 16

Last updated:

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR ay balik operation na sa May 16, 2020 o sa araw na nasa ilalim na lang ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila. 

Photo galing sa DOTr Facebook page.

Balik operasyon ang mga major train lines pero limited lang ang capacity at magiging mahigpit ang pagpapatupad ng Social Distancing o ang 1-meter na distance bawat pasahero para maiwasan ang paglaganap ng sakit na COVID-19.

Base sa DOH guidelines, hindi papayagan makapasok ng train stations ang mga pasahero na senior citizens, mga nagdadalang tao at mga pasahero edad 20 pababa. Hindi rin papayagan ang mga pasahero na walang suot na face mask at mga taong may symptoms ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!