FAQ: Paano magcommute galing at papunta ng Laguna?

Last modified on Dec 10, 2020 @ 9:38 am

Una sa lahat, ito ay blog na nag-reresearch ng mga balita tungkol sa public transport at binabahagi ng libre sa pamamagitan ng website na ito, sa Facebook page at sa Youtube channel. Walang pag-aari na bus company at hindi rin parte ng kahit anong ahensya ng gobyerno ang website na Dito ang Sakayan.

Ito ay  ang mga Frequently Asked Questions (FAQs) natin mga commuters ngayon panahon ng pandemya kung paano magcommute papunta at galing ng ilang bayan sa Laguna. Kung ikaw ay mang-gagaling sa Laguna, baliktarin mo lamang yung ruta. May schedule rin na kasama ang post na ito hanggat maari. Kapag wala kang nakita schedule, ibig sabihin, hindi nagprovide ang bus company o kaya’y walang makita online. 

Please show your support to this cause sa pamamagitan ng pag-subscribe sa ating
Youtube Channel – https://www.youtube.com/c/DitoangSakayan

Kapag commuter ka, dapat subscriber ka! Maraming salamat!

Para sa kaligtasan nating lahat, tayo ay sumunod sa safety measures para sa ating kaligtasan:
  • Mag-suot ng face mask at face shield.
  • Ugaliin magdala ng sanitizer o alcohol.
MGA NILALAMAN:

Paano magcommute galing Metro Manila papuntang:

Paano magcommute papuntang Balibago?
  1. Kung ikaw ay taga-Pasay, Manila, sakay ka ng bus sa BBL Trans LRT Buendia Terminal o kaya’y maghintay  ng bus sa ilalim ng MRT Ayala Station. Ang makikita mo na signboard ng bus ay Ayala-Balibago.
  2. Kung ikaw naman ay taga-Muntinlupa, Laspinas o Paranaque, sakay ka ng jeep (Php 35.00) sa Alabang South Station papuntang Balibago. Kung gusto mo naman ng airconditioned na sasakyan, may van (Php 100.00) sa Festival Mall Alabang na papunta rin ng Balibago. 

Note: Hindi kailangan ng travel pass sa byaheng Ayala-Balibago o LRT Buendia-Balibago. Kailangan ng TripKo Card para makasakay na mabibili sa kanilang terminal sa LRT Buendia o sa ilalim ng MRT Ayala Station. 

Paano magcommute papuntang Binan?
  1. Sakay ka ng bus sa Jac Liner LRT-Buendia Terminal o kaya’y  maghintay ng bus sa ilalim ng MRT Ayala Station. Ang makikita mo na signboard ng bus ay Ayala-Binan.

Note: Hindi kailangan ng travel pass.

SCHEDULE NG AYALA-BINAN BUS 

Ayala to Binan 
First trip: 5:00 AM 
Last trip: 8:00 PM
source

Binan to Ayala
First trip:  6:00 AM
Last trip: 9:00 PM
source

ROUTE NG AYALA-BINAN BUS

Exact Pick-up/Drop-off Stations: (jacliner)
Tropical Hut Gil Puyat cor Urban Ave (Makati Med)
Bus Stop – 24 NEX Tower Ayala Ave
Bus Stop – Security Bank Centre Ayala Ave – (Paseo De Roxas)
Bus Stop 25 – Philtrust Building Ayala Ave (Ayala Triangle)
Glorietta 5 (Drop off only)
MRT Ayala Station
Bus Stop Mantrade (Along EDSA)
Starmall Alabang
Ayala Malls South Park
National Rd, Brgy. Putatan, Muntinlupa
Soldier’s Hills Village, Muntinlupa
Medical Center Muntinlupa
Parkhomes Subd.
Villa Carolina I Subd.
San Pedro Market
Robinsons Galleria South
Landayan
JAC Liner Biñan Terminal
Paano magcommute papuntang Calamba?

Mamimili ka sa apat na terminal depende sa location mo. Scroll down para sa mga detalye.

  1. Starmall Alabang to Calamba via Modern Jeep  
  2. Glorietta 3 Park to Calamba via P2P Bus
  3. Market Market to Calamba via P2P Bus
  4. Lawton to Calamba via P2P Bus

Note: Hindi kailangan ng travel pass.

  1. Starmall Alabang to Calamba via Modern Jeep via SLEX

    Pamasahe: Php 60.00
    Schedule:
    Alabang to Calamba – 5:00 AM to 9:00 PM daily 
    Calamba to Alabang – 4:00 AM to 8:00 PM daily
    Terminal sa Calamba: Saint Rose Transit Terminal Crossing 
    Source

  2. Glorietta 3 Park to Calamba via P2P Bus

    Pamasahe: Php 180.00
    Schedule: 
    Makati to Calamba – 8:00 AM to 7:00 PM Monday to Saturday; 11:00 AM to 7:00 PM Sunday
    Calamba to Makati – 6:00 AM to 5:00 PM Monday to Saturday; 9:00 AM to 4:00 PM Sunday
    Source

  3. Market Market to Calamba via P2P Bus
    Pamasahe: Php 180.00
    Schedule: 
    Market Market to Calamba – 8:00 AM to 7:00 PM Monday to Saturday; 11:00 AM to 7:00 PM Sunday
    Calamba to Market Market – 6:00 AM to 5:00 PM Monday to Saturday; 9:00 AM to 4:00 PM Sunday
    Source

  4. Lawton to Calamba via P2P Bus
    Pamasahe: Php 180.00
    Schedule: 
    Lawton to Calamba – 7:00 AM to 8:00 PM Monday to Saturday; 8:00 AM to 8:00 PM Sunday
    Calamba to Lawton – 4:30 AM to 6:00 PM Monday to Saturday; 6:00 AM to 6:00 PM Sunday
    Source
Paano magcommute papuntang Enchanted Kingdom?
  1. Sakay ka ng bus sa BBL Liner LRT Buendia Terminal papuntang Balibago. 
  2. Sabihin mo sa konduktor, ibaba ka sa Waltermart Sta Rosa.
  3. Sakay ka ng tricycle, sabihin mo papunta ka ng Enchanted Kingdom.
Note: Hindi kailangan ng travel pass sa BBL Trans.
Paano magcommute papuntang San Pablo, Laguna?
  1. Punta ka sa Jac Liner LRT Buendia Terminal o kaya sa mga bus stops ng ruta tulad ng MRT Ayala Station o Starmall Alabang. (Ang info tungkol sa ruta ay nasa baba. Scroll down.) Pagkatapos, sakay ka ng bus papuntang Binan.
  2. Sa Southwoods Mall, Binan, sakay ka ng bus papuntang San Pablo. 

Scroll down para sa schedule at ruta ng Ayala-Binan para sa mga bus stops.

Note: Hindi kailangan ng travel pass. jacliner

Additional Info: 

SCHEDULE NG AYALA-BINAN BUS 

Monday – Friday (5:00 AM to 9:00 PM)
Saturday and Sunday (5:00 AM to 8:00 PM)

SCHEDULE NG BINAN-SAN PABLO BUS

Terminal sa Binan: Southwoods Mall, Binan
Terminal sa San Pablo: SM City San Pablo
jacliner

Daily trips schedule 

Binan to San Pablo (5:00 AM to 6:00 PM)
San Pablo to Binan (5:00 AM to 5:00 PM)

ROUTE NG AYALA-BINAN BUS

Exact Pick-up/Drop-off Stations: (jacliner)
Tropical Hut Gil Puyat cor Urban Ave (Makati Med)
Bus Stop – 24 NEX Tower Ayala Ave
Bus Stop – Security Bank Centre Ayala Ave – (Paseo De Roxas)
Bus Stop 25 – Philtrust Building Ayala Ave (Ayala Triangle)
Glorietta 5 (Drop off only)
MRT Ayala Station
Bus Stop Mantrade (Along EDSA)
Starmall Alabang
Ayala Malls South Park
National Rd, Brgy. Putatan, Muntinlupa
Soldier’s Hills Village, Muntinlupa
Medical Center Muntinlupa
Parkhomes Subd.
Villa Carolina I Subd.
San Pedro Market
Robinsons Galleria South
Landayan
JAC Liner Biñan Terminal
Paano magcommute papunta ng Sta Cruz, Laguna?
  1. Sakay ka ng public transport papunta sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
  2. Sakay ka ng bus sa PITX papuntang Sta Cruz.

Note: Hindi kailangan ng travel pass.

SCHEDULE NG PITX TO STA CRUZ BUS

First trip: 10:00 AM
Last trip: 6:00 PM
source

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!