Naglabas na ng guidelines para sa balik operasyon ng UV Express o mga van ang Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTRFB). Simula June 29, may mga van o UV Express na ang babyahe sa Kamaynilaan at karatig probinsya. (manila bulletin)
Kasama sa listahan ng ruta ang bilang ng UV Express kada route. Bukod sa number of available units, kasama din sa listahan ang pamasahe kada route. Kapansin-pansin ang diperensya ng pamasahe ngayon kumpara dati. Malaki ang ibinaba ng pamasahe gayun kakaunti ang maisasakay ng van. Hintayin na lang natin ang maaring pagbabago sa mga susunod na araw.
Naka-ayos sa baba ang listahan (source: LTFRB) ayon sa city o municipality. Scroll down sa Place of Origin mo para makita mo kung ano ang mga available na routes sa lugar mo. Halimbawa, kung ikaw ay galing sa Meycauayan, Bulacan at papunta ng Quezon City, mag-scroll down sa Meycauayan sa ilalim ng Bulacan.